Paalam, FC.
Paalam, diwata.
Ikaw na nag-aruga at nagbigay-silong sa mga kaluluwa ng unibersidad.
Ang simula:
Sa pintuan ng Teatro Hermogenes Ylagan-
Isang pirasong papel na nag-udyok ng paglalakbay sa kolehiyo
Naaalala ko pa ang pakiramdam nang Makita ang pangalan sa listahang iyon
Isa na akong ganap na estudyante ng UP!
Naaalala mo? Kung paano mo binago ang buhay ko at ng marami, sa isang pirasong papel na yun
Ang teatro.
Daan-daang rehearsals sa bawat sulok mo. Mula umaga hanggang halos magpaalam na ang buwan
Lahat ng alikabok mo dumikit sa aming mga balat
Lahat ng amoy at alaala ng mga estudyante at propesor na gumapang, nadapa, umiyak, tumawa
Lahat naka-ukit sa aming mga ala-ala
Hanggang ala-ala nalang pala
Ang Malikaing Pagsulat,
Ikaw ang naging kanlungan
Inakit mo ang puso ko at ng marami, na magsulat… laumikha
Tinanggap mo ako ng buong buo, walang pagkakaila
Tinuruan mo akong umibig, masaktan, makalimot, madapa at tumayong muli
Binuo mo ang pagkato, pag-iisip at kaluluwa
Ang college secretary office-
ilang tawa, pagmamakaawa, kwentuhan at buyuhan
Kelan ka ba gagraduate ha??! Habang hawak ang sleeve ng records
at nanginginig ang mga kamay, nagpapapirma ng clearance
Magtatapos na nga ba ako? Magpapaalam?
Ang graduation
Sa piling ng mga diwata
Naparangalan ang pagiging isang ganap na UP student.
Ang pagtatapos ng isang Chapter ng buhay kolehiyo
At simula ng kinabukasan
Pero hindi pa ako tapos-
Ako at ang maraming kaluluwa ng unibersidad na hirap bumitaw
Ako na iyong inaruga, minahal at inakay
Hanggang sa muli
Paalam, Diwata.